El Decanso

Archive for the ‘Academic Updates- rebyu rebyuhan’ Category

♥♥Panitikan♥♥
Matibay at panghabang-panahong pagpapahayag ng mahalagang katangian ng tao na may  mga salitang pili at maayos.

Ayon sa kanila, ang panitikan ay:

Plato ~ “utile”. Ang panitikan ay dapat nagtuturo at nagpapaliwanag.
Aristoteles ~ “dulce”. Ang panitikan ay dapat nagbibigay ng kasiyahan.
Horatio ~ utile at dulce” Ang panitikan ay dapat nagbibigay kasiyahan, at kapupulutan din ito ng aral.
Panganiban ~
ang panitikan ay nagmula sa salitang literatura sa salitang Latin – littera – na ang katumbas sa salitang tagalog ay  “titik” (pan-titik-an)
WS Long ~
Ang panitikan ay isang tula ng pinakamabuting damdamin at kaisipan ng tao.

♥♥Impluwensayang Pandaigdig ng Panitikan♥♥

1.Bibliya o Banal na Kasulatan ~ Naging batayan ng pananampalataya.
2. Koran ~ Banal na Aklat ng mga Muslim
3. Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos ~ Nagbukas ng kaisipan ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahiing itim at pinagsimulan ng pandaigdig na agpapalaganap ng dempkrasya.
4.Iliad at Oddysey ni Homer ng Gresya ~ Kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya.
5.Divina Comedia ni Dante ng Italia ~ Nagpapahayag ng pananampalataya, moralidad at pag-uugali ng mga Italiano sa kapanahunang yaon.
6. Canterbury Tales ni Chaucer ~ Naglalarawan ng mga kaugalian at pananampalataya ng mga Ingles.
7. Aklat ng mga Araw ni Confucius ~ Naging batayan ng pananampalataya at kalinangan ng mga  Intsik.

8. Isang Libo’t Isang Gabi ~ Naglalarawan ng pamumuhay ng mga tao sa Arabia at Persya.
9. El Cid Campeador ~ Tumatalakay sa kasaysayan ng Espanya at naglalarawan ng katangiang panlahi ng mga Kastila.
10. Aklat ngga Patay ~ Tungkol sa Mitolohiya at Teolohiya ng Egypt.
11. Awit ni Rolando ~ Nagsasalaysay ng panahong ginto ng Kristiyanismo sa Pransya
12. Mahabharata ~ Tungkol sa Pananampalataya sa India. Ito ang pinakamahabang Epiko sa Buong Mundo.

*~ Medyo matagal na naming lesson toh’, pinost ko lang bka sakaling makatulong… ^_^ ~*

Advertisements

Liham Pangangalakal

Uri ng liham na ginagamit sa mga tanggapan o bahay-kalakal. Ito ay higit na pormal, tiyak at di maligoy ang pananalita. Hindi katulad ng liham pangkaibigan.

Mga Dapat Tandaan sa pagsulat ng Liham Pangangalakal

1. Taglay nito ang mga mahahalagang bahagi
2. May tiyak na layunin at anyo
3. May mahahalagang impormasyon ng:
a. Katangian ng sumulat
b. Okasyon, lugat at petsa
4. Malinaw at tiyak ang ipinahahatid ng impormasyon

Iba’t ibang Uri

1. Liham na humihingi/nag aaplay ng mapapasukan
2. Liham paanyaya sa panauhing tagapagsalita
3. Liham sa paghingi ng tulong
4. Liham na humihingi ng pahintulot

3 Anyo ng Liham

1. Blak
2.
Ganap na Blak
3.
Semi Blak

Eto po ang Actual na handwriting ko, Fresh from my Notebook

*para makita niyo ang panget kong sulat* wahaha

~kamusta naman ang mga strokes, ayos ba?~


improving na nga yan eh!
*hehehe*

teka lang! please read..

matagal ko na pong closed ang blog na toh kaya hindi ko na inuupdate. amp.
2009 pa po yung pinakahuling post ko dito.
nakakatuwa kasi ang dami pa ring mga bumibisita at ito po yung pinaka-madalas bisitahin..
yung liham pangangalakal 🙂

PASENSYA NA PO.. sa mga humihingi ng example.  Nung 4th year high school ko pa po pinost toh at
3rd year college na po ako ngayon.. huhu. super di ko na keri pa lagyan ng examples..

MARAMING SALAMAT PA RIN PO SA MGA BUMIBISITA.
kung gusto niyo po ako makausap/mahingan ng tulong dito po
di naman po ako suplada ahaha:

twitter * facebook * tumblr

THANK YOU!

ako to. haha

 


~*end*~




Hello everyone

hi! i'm sorry but this blog is closed.. but i'll be using this for promotion purposes. haha. :) yeah.

so yeah, check out my tumblr:

http://marsmilerawr.tumblr.com/

November 2017
M T W T F S S
« Feb    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
27282930  

Visitors

  • 175,673 visitors